Ang pagbabalik ng INANG minahal ng buong Pilipinas!
Ang pagbabalik ng INANG minahal ng buong Pilipinas!
“WOW!” tanging yan ang nasabi ko ng mapanuod ko ang opisyal na trailer ng “Ang Tanging Ina Ninyong Lahat” na siyang entry ng Star Cinema sa MMFF ngayong taon. Isa itong sequel ng pelikulang Ang Tanging Ina na naging isa sa mga kumitang pelikula noong taong 2003. Masasabi kong pinaghandaan at pinagisipan ng mabuti ang pag-gawa sa pelikulang ito. Mula sa cast, director, locations,production, at kung anu-ano pa. Isang magandang opurtunidad ito sa mga dating cast na magsama-sama ulit at patunayan ang kanikanilang angking kakayahan. Tradisyon na nating mga Pilipino ang manuod ng sine tuwing kapaskuhan at mapapatunayan na natin na swak na swak sa bawat isa ang isang pelikula na GENERAL ang audience type. Sa dami ng mga kalahok tulad ng DAYO,SHAKE RATTLE AND ROLL, DESPERADAS 2, ISKUL BUKOL, BALER, AT MAGKAIBIGAN. Sa tingin niyo alin ang mas tatangkilikin ng sambayanang Pilipino?
Deccember 25,2008 opisyal ng binuksan ang Metro Manila Film Festival na talagang sinuportahan ng ating mga kababayan. Umaga ng ako’y magpunta sa Glorieta 4 upang manuod ng “Ang Tanging Ina Ninyong Lahat” sunod na rin sa kaugalian naming pamilya na maglakwatsa tuwing pasko. Tulad ng inaasahan hindi mahulugang karayom ang labas ng sinehan. Sar-saring pila ang aking nakita. Pero ito ang mas ikinagulat ko. Nang kami’y makabili na ng aming ticket sinabi sa amin na punong-puno na raw ang sinehan. Kaya pinili na lang namin ang 5:50 ng screening time. Nang aming pagkabalik, inaasahan namin na makakapasok na kami agad. Ngunit nang tiganan namin ang pila ng naturang pelikula na aming papanuorin. Nagulat kami na ang pila ay halos abot na sa may Cinema 1 (Cinema 4 ang Ang Tanging ina Ninyong Lahat PLUS! paspiral pa ang hugis ng pila) kumpara sa mga pelikulang DESPARADAs AT BALER na tila napagiwanan ng panahon. Buti na alng magaling ang aking kapatid at kami’y nakapasok sa pamamagitan ng pagsingit. Nang kami’y makaupo na. Lalo akong nasiyahan sa aking nakita. Akala ko nung una magsisimula na agad ngunit hindi pala. Pinalabas muna ang trailer ng LOVE ME AGAIN (LAND DOWN UNDER) starring Angel Locsin and Piolo Pascual. Mas maganda pala ang kumpletong trailer kaysa ung trailer na napanuod ko sa Youtube. Anyway, Sadyang kaabang-abang talaga ang pelikulang ito lalo na at uang magtatambal ang dalwang magaling na artista. Pagkatapos nun nagsimula na ang palabas. Sinimulan ito sa pagkanta ni April boy (kuno) ng Di ko kayang Tanggapin na may backup na DRUM AND LYRE tapos nang ipinakita sa susunod na anggulo libing pala ito ng aswa ni Ina (Ai-Ai). Tawanan ang lahat! as in! kaya nga sabi ko sa sarili ko. Isang masigabong palakpakan tal;aga ang dapat ibigay kasi simula pala ang lakas na ng dating. Pamilyar na ko sa mga pelikulang komedi. Maranuong na rina kong kumilatis nito at masasabi kong isa ito sa magagndang pelikulang aking napanuod. Ang istorya ay umikot sa pagiging presidente ni iNA na naging malaking HAMON sa kanya. Pero naging maganda ang naging buod nito. Talagang hindi masasayang ang pera mo. Mula sa LOBO stunt, NAKED SERVIDORA, CHAMBEr maid, ang pagiging PRESIDENTE, RAIN DANCE at kung anu-ano pa. Tiyak na kagigiliwan ito ng buong pamilya. Decemeber 26,2008 inannounce ng MMFF Tally committee na no.1 ang pelikulang ito sa pinakatinangkilik na pelikula dahil sa kita nito na 20.8 Million nung unang araw palang.
Kaya kung akom sa inyo! Halina! at panuorin ang nagiisang pelikula na swak sa panlasa nating lahat. ang, “ANG TANGING INA NINYONG LAHAT!“

